Friday, April 04, 2008

Wala na raw peryodiko sa media

HINDI na pala kabilang sa news media ang turing sa gaya naming peryodista’t nakasupalpal sa pahayagang papel ang nasusulat—kasi nga’y pumapalo pala sa 75% ng populasyon ang sumasagap ng bali-balita’t kung anumang alimuom at singaw mula susong salamin. Susong salamin, kristal na kuhol, boob tube, idiot box, TV.

Mura kasi kaysa peryodiko na sapul nitong mga taon ng dekada 1970 hanggang sa kasalukuyan, nakapako pa rin sa may 2 milyon ang pinagsanib na mga sipi sa araw-araw. Sandamukal na ang mga free TV stations, meron pang cable TV. Wala pang kahirap-hirap ang kukote para himayin pa’t maglimi sa anumang alingasngas at alingasaw na masusupsop sa naturang suso.

Hindi naman aalma ang mga tulad kong pusakal sa pagsusulat, kahit hindi namin mawawaan ang kanilang pamamaraan sa pagbuo ng pangungusap at balarila ng bakla. Kahit naisantabi na kami’t mas nakakagiliwang mapuntirya’t tugisin ng tingga ng mga nasagasaang asungot at kumag sa lipunan ng our penis, oops, computer keyboard is mightier than the remote.

Unreeling images purvey plain sights; the stacked-up paragraphs fueled by witty turns of phrases and word jabs may offer insights. So there’s no need to reinvent the writing craft, the process of thinking in print with a view to haul in a fresh batch of readers. To write is to be at war, payo nga ni Voltaire, at nakasanayan na ring magpalipat-lipat o maglunoy-lublob sa foxhole, pati sa watering hole, at katakam-takam na womanhole.

Saka P4 sangkilo ng diyaryo—may pakinabang pa rin mas mahusay kaysa plastik na pambalot ng tinapa sa palengke matapos pagsawaang basahin. Maisasalin pa sa ibang mambabasa’t maikukumot pa nga ng mga natutulog sa bangketa.

Saka magaan pa rin sa mata ang paghagod ng mga titik na kikikig hanggang sa mga sulok na silid ng ulirat. Hindi pa maingay ang nakalimbag na mga kataga—hindi mambubulahaw ng mga nasa kahanggang bahay.

People watching TV feel relaxed and passive, "show less mental stimulation, as measured by alpha brain-wave production, during viewing than during reading." Ganoon ang ulat nitong Pebrero 2002 sa Scientific American—na kahit nilumot na nga sa luma, mahahalungkat pa rin dahil mas matindi pa rin ang pinakamapusyaw na tintang inilapat sa papel kaysa pinakamatalas na memorya.

Dagdag pa ng ulat: “What is more surprising is that the sense of relaxation ends when the set is turned off, but the feelings of passivity and lowered alertness continue. Survey participants commonly reflect that television has somehow absorbed or sucked out their energy, leaving them depleted. They say they have more difficulty concentrating after viewing than before. In contrast, they rarely indicate such difficulty after reading. After playing sports or engaging in hobbies, people report improvements in mood. After watching TV, people's moods are about the same or worse than before.”

Iginiit pa na “viewers tend to watch more television than they had planned to, even though the longer they watch, the less satisfaction they report. The researchers ascribe TV's attractive power in part to the ‘orienting response.’ This is ‘our instinctive visual or auditory reaction to any sudden or novel stimulus,’ and it includes dilation of blood vessels to the brain, slowed heart, and constriction of blood vessels to major muscle groups, all while attention is focused on information-gathering. So the cuts, zooms, pans, and sudden noises so typical of television presentation serve to keep the orienting response continuously engaged. (However, more than ten cuts in a two-minute period result in reduced accuracy of recall.)”

“Television Addiction” ang pamagat ng naturang ulat nina Robert Kubey at Mihaly Csikszentmihalyi. Mabuti na lang, hindi pa kami talamak sa pagiging sugapa sa pagsupsop sa salaming suso—wala kasing katas o gatas na maitaktak.

Ganoon man, tiklop na talaga kaming diyarista sa telebisyon. Nito ngang huling coverage, nagpakilala na lang ako bilang agronomist na may konting nalalaman sa biological weapons development at kakayahan sa mahusay na produksiyon ng pagkaing butil. Yeah, still with the press o pindot na katugma’t katunog ng hindot.

At pusakal pa rin sa pagsusulat.

No comments: