SULAT ng anak: "Bloody hell" was the very first reaction I got from George (a Brit). Nearly everybody at the office and the camp was just shocked and awed at my new look. I just had my hair shaved off revealing my pate... I looked quite macho and sexy as most of them reiterate. I did it because summer is approaching and besides tipid na din sa shampoo.. penance na rin for Holy Week and I wanted to look like Wentworth Miller of “Prison Break.” Bagay ba?
I nearly blew my temper again just this week as the cook I asked to buy me some two kilos of crabs wanted to buy10 kilos instead, my roommates and I are the only ones who will be eating it. He was suggesting I serve the entire Filipino camp... tutal naman malaki ang sinusweldo ko... I’m not a charity ball, I angrily replied... mga Pinoy nga naman, oo.
I called up Tita Tricia to greet her a belated happy birthday. I tried calling home thru Mama's phone but it’s always out of service. Tita reiterated that Irish and Bobby had already married... civil wedding; Mama was a sponsor. They'll be getting married at church when Tito Willy comes back home...she then nudged me on when will it be my turn... "No comment muna ako d’yan" I said.
Is Bonyat doing fine? We have an unofficial tenant underneath the roof of our quarters. I call her “Fat Tweet" the bird is fat...and a visitor which I dubbed "Three Colored Fat" a she-cat who has three colors and is well obese...but she's very malambing and she follows me around, greets me when I come back from work.
SULIT ng Kulamnistang ama: Idagdag pa si Podying at Raymond sa mga hahakbang pasagupa sa agos ng paghihiwalay ng mga mag-asawa sa bansa, sa Marso 30 sila ikakasal. Para yatang mas madaling maghiwalay kaysa magpisan sa panahong ito’t naghahagilap nga ng mga dahilan ang Simbahan para maipaliwanag ang ganitong alimuom. Baka pati isang batas sa thermodynamics ay maisangkalan; ukol sa entropy, a measure of chaos which applies to an isolated system in disequilibrium that increases over time and hits a peak as equilibrium is reached.
Kung ilalapat sa ugnayan ng mag-asawa ang ganitong batas, maiisip na hindi talaga patas, timbang o parehas ang ugnayan kahit sa simula. Tiyak na iigting lang ang hidwaan, iringan, at sigalot sa pagdaan ng panahon.
Sa mga away-musmos ko noon sa Pambuan, Gapan sa Nueva Ecija napulot ang katagang “magkapeso” o patas sa timbang ang magsasalpukan. Halaw sa Español ang peso o weight class. Mainam ngang namnamin sa isipan na kapag naging parehas o patas sa timbang ang magsasalpukan, magkapeso na— parang magaan na ang dating ng saganang salapi and I’d like to believe money is a form of chaotic energy. At umaatikabong salpukan din ang sinusuong sa kama, este, sa pag-aasawa, ‘di ba?
Debut naman sa Marso 29 ni Cynthia ng Tito Boyet at Tita Raquel mo, pinapagawa pa nga ako ng bibigkasing talumpati doon… isa sa mga bathaluman ng pagsasaka’t pagsisinop ng lupa si Cynthia na kapangalan ng isa sa mga idol ko, Kinatawan Cynthia Ampaya Aguilar-Villar ng Las Piñas na kumakasa kahit sa mga pakanang patakaran at masansang na makinasyon ng Malacañang. Nakakabilib.
Kamagong ang tawag noon sa ganyang gupit, ganoon kasi ang anyo ng bunga ng kamagong o mabolo, an endangered tree species which resounds to power and hardiness. Ganoon ang gupit ng mga sundalong isinagupa sa Bangsa Moro Army nitong mga taon ng 1970—at tila mga trosong tumimbuwang sa Mindanao combat zones noon. Kung hindi napugot ang ulo, nasira ang ulo. Pulos puno ng kamagong ang nasa tagiliran ng isang ward sa V. Luna Memorial Medical Center na pinaglalagakan ng mga kawal o beterano na may post traumatic stress syndrome, war shock.
Bonyat is out-and-out housebound Auslander tom, kahit masarap ang pagkain ng kapwa pusa, hindi makikipag-agawan. Katiting pa rin kung kumain. Medyo nabawasan yata ang kanyang predatory instincts, hindi na kasi sumisila ng mga mayang mamindita sa itaas ng bahay. Sabay namang malambing sumalubong at magkikiskis ng kanilang katawan sa ‘kin ang tutang Bitoy at pusang Bhatman.
Dish 10 kilos of crabs for a Filipino camp? Ayoko yata sa ganyan. One gets such affliction via sex with someone infected with crabs, mwa-ha-ha-ha-haw!
Current buzzword in this neck of the woods, “Trabaho, trabaho, trabaho; hindi gulo--ria arroyo.”
Friday, April 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment