SA self-sustaining 70-square meter lot na binalangkas noong rehimeng Ferdinand E. Marcos: 25 sq. m. ang nakalaan sa sampalapag na dampa, 45 sq. m. sa tanimang lupa na nakapaligid. Pumapatak na 35% allocation for structure, 65% for Nature—the entire scheme of sharing spaces is meant as enhancement to the dweller’s humanity and inner quality of life.
‘Yung kabuuan ng 70 metro kuwadradong lote ang mismong lawak ng pamamahay para sa pinakapayak at masinop na pamumuhay. Maisasalin sa mas malawak na latag ng lupain at pamayanan ang ganitong hatian, 35% for structure, 65% for Nature.
Sa Japan, 75% ang inilaan sa Kalikasan, 25% sa pamayanan at sambahayan. Sa inaakala nating masikip na Hongkong, 70% ang sa Kalikasan, 30% sa mga pamayana’t sambahayan.
Magugunita ang iginiit ng isang mistiko ukol sa ganitong pagpaparaya ng mas malaking bahagi ng lupain sa Kalikasan: “Hindi sisidlan ng kapangyarihan ang kalawakan. Ito mismo’y kapangyarihan!”
Magugunita muli na sa kalawakan ng disyerto nag-ayuno ng 40 araw si Kristo: baka sa tagpuan ng lupain at papawirin sa ganoong kalawakan sumagap ng dagdag pang kapangyarihan. Nakayanan nga ang lahat ng ipinukol na tukso ng diyablo.
Kapangyarihan man ang kalawakan, pekpek pa rin ang hindi malilimutang masarap kapag masikip o makipot—at natukoy na ng pananaliksik na nag-uudyok ng buryong, sexual perversions at paghina ng katinuan at pagkatao ang mga sikip na puwang.
Sa madaling sabi, cramped spaces reduce humanity of their dwellers.
At lumalawak naman pati na saklaw ng isipan at katangian ng diwa sa mga malawak na lunan.
Pero likas na yata ang pagkadayukdok ng Penoy bugok sa pekpek… kaya nagpupumilit na isalaksak ang sarili sa mga masikip.
Sa mas malaking sisidlan, mas marami ang maisasalin. Kaya ipinapayo ng mga dalubhasa sa feng shui (furyu sa Japan) na kailangan daw mapalis ang mga kalat at pampasikip sa alinmang panig ng tahanan. Kailangang magbigay-daan, lumikha ng puwang sa mga bagong kasaganaan na pupuno sa nilikhang puwang.
Maiisip: tiyak na kasabwat ang mga feng shui experts sa paglalatag ng planong panlunsod o urban planning ng Hong Kong… kaya marahil 30% lang ng land area ang nakatokang tindigan ng mga gusali, 70% ang nanatiling laan sa Kalikasan… sa tinatawag na life support, life enhancement systems for human dwellers. Call that “urban renewal.”
Sa kumpareng anluwage napulot ko ang naiibang taguri sa mga naturang puwang—Godspace o puwang para sa Maykapal na dapat laging nakahihigit ang lawak kaysa manspace o puwang para sa tao. Hindi maganda na ipagkait ng karaniwang tao ang puwang para sa Maykapal sa kanyang pamamahay… sa pamumuhay.
Sa mga pamamahay at pamumuhay ng Penoy bugok talagang ikinait at kinamkam ang puwang para sa Diyos—walang Godspace sa condo, wala rin sa squatters’ area.
Saturday, October 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment