Saturday, October 10, 2009

Bayog

PINAKAMAKUNAT yata sa may 1,250 species ng kawayan ang bayog—na malimit gamiting haligi sa bahay-kubo. Tumatagal kasi ng 50 taon, lalo na ‘yung higit dalawang taon ang edad… ‘yung taga sa panahon na halos dilaw na ang kulay… nakakabungi sa ngipin ng lagare ang kasinsinan ng makunat na himaymay.

Siyempre, panalo sa lutuin ang labong ng bayog—may sangkap na pait. Kailangang ibabad ng tatlong araw sa tubig na may timplang apog para mapalis ang pait… para masalinan ng mineral na pampatibay ng buhok, kuko’t ngipin. Sa ganoong timpla, mananatili ang mapusyaw na puti ng himaymay, mas malutong pa sa kagat. Mapapagkamalang mataas na uri ng palmetto cabbage o ubod ng niyog kapag isinangkap sa lumpia.

Tinimtimsa saluyot at bagoong ang karaniwang luto nito—katiting lang ang protina sa supling ng kawayan, pulos himaymay o digestible fiber lang… na mas masisikmura kaysa tinatawag na moral fiber ng mga sikat at sikwat na tao sa pamahalaan.

Saka mainam sa katawan ang bisa ng ganoong himaymay. Kinakaskas-linis ang sikmura’t bituka pati na mga ugat na dinadaluyan ng dugo… sinasalakab ang low density lipoproteins (LDL) o kolesterol na pasimuno sa sakit sa puso’t stroke. Hindi makakadagdag-bilbil ang labong kaya malalantakan ng mga nais maging kainaman ang hubog ng katawan.

Balagwit o pingga na pang-igib ng tubig na, nagagamit ding Thai stick at Shaolin pole ang ganoong shoulder pole. Paulit-ulit na inihahampas sa dibdib, tiyan, mga bisig at hita ang Thai stick—para kayang indahin ang bigwas, suntok, kaldag o tadyak na dadapo sa katawan sa full contact sports, halimbawa’y boxing. Psychological conditioning for the body to endure jolts of pain.

At sa kamay ng dalubhasa tulad ng aking abuela, mapanganib na sandata ang makunat na pingga… na madalas lumagapak sa aking tumbong noon kapag nalaman na ako’y nakipagbabag… aba’y 28,000/sq. inch ang tensile strength o tibay ng bayog—23,000 lang sa bakal. Kaya balagwit na hamak-hamakin mas matindi pa sa truncheon dahil nagiging sandatang Shaolin.

Matibay man kahit magaang na sangkap sa payak na dampa, talagang mas mura kaysa palochina, coco lumber o segunda manong kahoy ang bayog—na walang tinik na taglay. Sa loob lang ng limang taon, ang ipinunla’y nagiging kulumpon—3 sentimetro sang-araw ang pagbulas ng kawayan.

At sa ganoong singkad ng panahon, makakatikim na ng labong, may mapuputol pang sangkap para sa bahay kubo.

Ipaubaya na sa mga malikhain ang pagbuo ng kahit na balsa lang… kahit na tagni-tagning lunday na tahanan. Hindi na hihiling na bumuo sa kawayan ng luxury liner o lantsa’t yate na isasalang a la “Kon-Tiki” ni Thor Heyerdahl o daong ni Noah sa unday ng mga Ondoy, Pepeng, at iba pang namumuong unos.

Dire necessity ought to give birth to ingenious design.

Napakaraming kawayan sa paligid—may 49 species sa Pilipinas, kabilang na ang bayog—lalo na sa mga masikap na mag-uukol ng talino’t panahon. Maraming mga tiwangwang at nakaligtaang lupa. Doon makakapagpalago, makakapagpalaki ng bayog—kaysa magpalaki ng bayag.

Tahanang Walang Hagdan

WALA talagang ikalawang palapag sa naturang tahanan kaya tiis na lang sa lublob-baha ang mga naroon na pawang may kapansanan. Na pawang mas higit karapat-dapat amutan ng tulong. Dahil sila ang mga uri ng taong hindi hihilata o magmumukmok saanmang evacuation center, maghihintay sa dating ng relief goods.

Mataas ang pagpapahalaga nila sa sarili, parang ‘yung tinukoy minsan ni Oscar Wilde—pare-pareho man tayong nadapurak at nakalublob sa lusak, mayroon pa ring nakatutok ang paningin sa mga bituin… kahit na saklot pa rin ng dilim.

Nasalanta ng baha ni Ondoy ang kanilang mga makina’t kasangkapan sa kabuhayan. Lupaypay man at may kapansanan sa katawan, inot na itutuloy lang ang kanilang gawaing ginagampanan. Marupok man ang katawan, mananatili ang tibay na taglay sa dibdib at isipan.

Lumpo na kung lumpo. Pero kaya naman nilang tumindig sa sariling paa. Direst misfortunes may crush the faint of heart and weak of will, never the unyielding spirit of those in Tahanang Walang Hagdan. Lumpo man, hindi naman laman lampa na ilalampaso ng kalamidad.

Teka, nalalapit na rin lang ang kapaskuhan, mas mainam para sa mga korporasyon na bumili ng bulto-bultong corporate giveaways sa kanila. Napakaraming mapagpipilian doon.

Mga magulang, ninong at ninang: makakabili ng mga gawang-kamay na laruan at educational toys sa Tahanang Walang Hagdan.

Tutal, ginawa yatang panggatong o ninakaw na ang mga upuan at school desks sa mga paaralan sa mga paaralan na ginawang evacuation centers, palitan na lang ang mga ganoong kagamitan. Gumagawa rin ang mga taga-Tahanang Walang Hagdan ng mga ganoong kasangkapan para sa mga paaralan at tanggapan.

Abala sa lapat-kamay na gawain ang mga tagaroon, walang panahon para mangipuspos o manlumo sa mga malupit na unday ni Ondoy at Pepeng. Sasagi tuloy sa isipan ang isa sa mga kahanga-hangang bayani mula Tanauan, Batangas.

Frail of body yet Herculean, aye, promethean of mind, the late “Sublime Paralytic” moved men, events, even the course of our nation’s history. He was moved from place to place on a hammock, borne on the shoulders of two aides—he wasn’t that helpless in his younger years.

He had taken to walking from the family hut in barrio Talaga to a school in far-flung Lipa City—a leg-sapping, stamina-wracking 20-kilometer or so daily trudge through treacherous terrain. Steeling the mind with knowledge may entail going through hardships and difficulties.

Such a regimen was no stranger to Virginia E. Montilla, 48, social services and administrative director for Tahanan.

School was virtually at an arm’s length—or about three kilometers away from the dormitory in Cubao where she and 20 other Tahanan scholars took residence throughout their college days. The pair of “aides” that gave them mobility: their hands steering their wheelchairs across stretches of asphalt roads… on into the future.

Furyu

SA self-sustaining 70-square meter lot na binalangkas noong rehimeng Ferdinand E. Marcos: 25 sq. m. ang nakalaan sa sampalapag na dampa, 45 sq. m. sa tanimang lupa na nakapaligid. Pumapatak na 35% allocation for structure, 65% for Nature—the entire scheme of sharing spaces is meant as enhancement to the dweller’s humanity and inner quality of life.

‘Yung kabuuan ng 70 metro kuwadradong lote ang mismong lawak ng pamamahay para sa pinakapayak at masinop na pamumuhay. Maisasalin sa mas malawak na latag ng lupain at pamayanan ang ganitong hatian, 35% for structure, 65% for Nature.

Sa Japan, 75% ang inilaan sa Kalikasan, 25% sa pamayanan at sambahayan. Sa inaakala nating masikip na Hongkong, 70% ang sa Kalikasan, 30% sa mga pamayana’t sambahayan.

Magugunita ang iginiit ng isang mistiko ukol sa ganitong pagpaparaya ng mas malaking bahagi ng lupain sa Kalikasan: “Hindi sisidlan ng kapangyarihan ang kalawakan. Ito mismo’y kapangyarihan!”

Magugunita muli na sa kalawakan ng disyerto nag-ayuno ng 40 araw si Kristo: baka sa tagpuan ng lupain at papawirin sa ganoong kalawakan sumagap ng dagdag pang kapangyarihan. Nakayanan nga ang lahat ng ipinukol na tukso ng diyablo.

Kapangyarihan man ang kalawakan, pekpek pa rin ang hindi malilimutang masarap kapag masikip o makipot—at natukoy na ng pananaliksik na nag-uudyok ng buryong, sexual perversions at paghina ng katinuan at pagkatao ang mga sikip na puwang.

Sa madaling sabi, cramped spaces reduce humanity of their dwellers.

At lumalawak naman pati na saklaw ng isipan at katangian ng diwa sa mga malawak na lunan.

Pero likas na yata ang pagkadayukdok ng Penoy bugok sa pekpek… kaya nagpupumilit na isalaksak ang sarili sa mga masikip.

Sa mas malaking sisidlan, mas marami ang maisasalin. Kaya ipinapayo ng mga dalubhasa sa feng shui (furyu sa Japan) na kailangan daw mapalis ang mga kalat at pampasikip sa alinmang panig ng tahanan. Kailangang magbigay-daan, lumikha ng puwang sa mga bagong kasaganaan na pupuno sa nilikhang puwang.

Maiisip: tiyak na kasabwat ang mga feng shui experts sa paglalatag ng planong panlunsod o urban planning ng Hong Kong… kaya marahil 30% lang ng land area ang nakatokang tindigan ng mga gusali, 70% ang nanatiling laan sa Kalikasan… sa tinatawag na life support, life enhancement systems for human dwellers. Call that “urban renewal.”

Sa kumpareng anluwage napulot ko ang naiibang taguri sa mga naturang puwang—Godspace o puwang para sa Maykapal na dapat laging nakahihigit ang lawak kaysa manspace o puwang para sa tao. Hindi maganda na ipagkait ng karaniwang tao ang puwang para sa Maykapal sa kanyang pamamahay… sa pamumuhay.

Sa mga pamamahay at pamumuhay ng Penoy bugok talagang ikinait at kinamkam ang puwang para sa Diyos—walang Godspace sa condo, wala rin sa squatters’ area.