Saturday, March 07, 2009

Paala’la’y gamot sa taong nakakalimot

Rogelio G. Mangahas wrote:
DONG, nilalabanan ko ang grabidad ng kalimot kaya yata ako napuwersa ni Mila Aguilar na magmember dito. Di ko pa gaanong alam ang mga detalye nito kaya incomplete ang mga entries, kung baga.

Dong Ampil de los Reyes wrote back:
SA tuos ng advertising industry, mahigit sa $15 bilyon ang halaga ng puwang sa gawing kanan ng sama-samang profile ng umaabot na sa 5 milyong tao na nakaanib sa Facebook—na mas astig talaga at mataas ang antas kaysa Friendster, kahit sa DesktopDating na pawang social network engines sa Internet.

Talagang napakaraming saklot ng lungkot saanmang lukot at kuyukot ng mundo. Kaya nagsulputan pati sa Internet ang mga lunan o website para mapagkunan ng kausap sa panulat, katipan sa pagtatagpo, kalaguyo, kasiping, kasumping o kasabwat sa kinagigiliwang gawain.

Mantakin naman, kabilang na ang kartada nating dalawa sa bunton ng mga kartada sa Facebook—mga hilatsa ng pagmumukha, larawan, tala, at samut-saring kuntil-butil na maisasalpak. At ang kapirasong puwang sa may kanan ng Facebook profile, nagkakahalaga ng $15 bilyon… sa timbangan ng halaga, dapat lang na tapatan din ng katumbas na halaga.

Teka, dekada 1980 pa lang, umiinom na ang katoto nating Edgardo M. Reyes (Sa Mga Kuko ng Liwanag, Laro sa Baga, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy, atbp. marikit na nobela’t maikling kuwento) ng lecithin supplements. Para masalag ang daluhong ng kalimot at manatiling may talim-balisong ang isipan.

Naitala ko nga pala sa aking Facebook profile ang mga pagkain na mayaman sa lecithin—na choline nga ang taguri sa ngayon… uulitin ko na lang, saka dadagdagan ng iba pang pagkain:

To create acetylcholine (Ach), DMAE (dimethylaminoethanol) works with choline. Ah, the brain turns up neurotransmitters with choline, so needful a nutrient for overall brain health and functioning. When there’s not enough choline intake in your diet, the brain swipes it from other parts of your brain-- why, it starts eating itself alive to keep on doing vital functions like heart and lung regulation.

You need at least 35 mg of DMAE a day. Fish is a good food source, especially sardines and anchovies—oo, kahit mga mumurahing tunsoy, tinapang Salinas, dilis at bagoong!

Healthful levels of choline intake: 425 mg a day for women; 550 mg for men; and as much as 1500 mg a day if you’re a senior citizen. Best food sources of choline are (in mg per 100 g of food):
Raw egg yolks – 682
Beef liver -- 418
Whole cooked eggs – 272
Chicken liver – 290.
Wheat germ --152
Bacon --125
Pork --103

A choline metabolite, betaine should also be considered for intake. Foods with the highest betaine concentrations per 100g:
Wheat bran—1506
Wheat germ—1395
Spinach—725

Mga ganitong uri ng sulatin ang natotoka ngayon sa ‘kin ng isang pasulatan sa Makati… masayang gawain. Nadaragdagan ang nahahango kong kaalaman.

--hellspawnshop@hotmail.com

No comments: