PANAHON ngayon ng purgis—mga purdoy na burgis—na mas masahol pa ang mga gawi’t ugali kaysa isinusukang batugang burgis nitong nakalipas na dekada 1970. ‘Yung purgis basyo na’ng bulsa, bangkarote pa’ng kukote— pampasikip lang sa Pilipinas, pabigat na pasanin ng lupain. Nabanggit mo sa isang kaibigan na meron kang kapitbahay na purgis ngayon…
Lilinawin ko: “kahanggan” ang wastong kataga, mali ang “kapitbahay.” Angkop ang kahanggan sa mga nasa hangganan ng kinatindigan ng bahay. Mismong si Hesukristo ang naglinaw sa katuturan ng “kapitbahay” sa kanyang kuwento ukol sa isang mapagkupkop na mula pa sa Samaria—o Sumeria yata na sinilangan ni Abraham, saklaw sa kasalukuyang panahon ng Iraq na ipinababoy nga ni George W. Bush para makamkam ang krudo nito.
As Christ had it put, being a neighbor is not a function of proximity but of propinquity— humans have different mind-sets that dwell in separate realms of the heart. You dwell in Zen, I dwell in Zen— hah, we’re neighbors. Even if you’re in Parañaque while I’m in San Jose del Monte.
Kahit iharap mismo si Jose Rizal na maghapon at magdamag na magsusulat lang ng bagong “Noli Me Tangere” o “El Filibusterismo,” tutuyain lang ng kahanggan mong gunggong. Alam kong maghapon at magdamag ka ring subsob sa iyong sining—para kang ermitanyo, ‘di ba?
Hindi matanggap ng mga bugok at batugang purgis ang ganoong gawi ng mapagpunyaging pamumuhay. Kaya katakut-takot na bantot ng palipad-hangin ang ibabalibag sa ‘yo, sa mga katulad mong walang humpay sa gawa.
Kahit naman ako ang bigyan mo ng obra—na kapit na kapit, umaangkop sa umiiral na katiwasayang Zen sa lawak ng pamamahay naming mag-anak—hindi ko matatanggap. Sa sining tanggulan ko kasi natuklasan ang kaigtingan at pagtitimpi ng Zen. Sa galaw, gawi’t gawa ko na lang masisilayan iyon, sa araw-araw na pamumuhay na mas matingkad at mataas ang antas ng kasiningan.
There’s this sinking feeling that you were put smack in those parts by Divine Providence as shimmering accent— to highlight the contrast between an inutile, barren, mindless blabbering existence of a purgis and your purpose-driven life. That cretin exists. You live.
Chickens cackle on their way to the slaughter; our battalions move on in silence, in triumph after triumph.
Mwa-ha-ha-haw!
Wednesday, November 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment