ILANG ulit na tumawag sa telepono ang kasambahay ng bayaw— natutulog pa ko’t kailangan pang tungkabin ng bareta de cabra sa higaan. Kalaunan nga’y nahagip din. Para ungkatin ukol sa paraan sa pagluluto ng kimchi.
Kasi’y muntik nang makarating hanggang London ang ibinigay na kimchi sa kanila, nasarapan marahil sa aking timpla—habang nilalantakan, uusok ang tainga’t tutulo ang uhog sa igting ng anghang-tamis-asim na maingat na natimbang.
Inisa-isa nga ang mga hakbang. Na madali namang sundan at ulit-ulitin upang makapagluto ng kimchi, the oriental version of sauerkraut.
Mayroon pala akong nawaglit na ibunyag sa aking kakatwang paraan sa pagluluto. Parang natatanging sangkap na humahalo sa anumang lutuin na lalapatan ng kamay at diwa. Malakas ang kutob kong ganito rin ang sumasaling sangkap sa lutuin ng mga nakikipag-irugan sa bathala ng kusina.
What apparently goes into a hand-ripped head of Napa cabbage to turn up my version of kimchi: a dozen to 15 assorted chili peppers to meld a diversity of incendiary flavors; walo hanggang 10 ngipin ng bawang Ilocos; a thumb-size piece of ginger for a whit of earthly warmth; a wee pinch each of oregano, black pepper, and nutmeg to lend quaint piquancy; three tablespoons muscovado or sugar palm-derived sugar plus two cups of palm toddy-derived vinegar—mas mainam kung mismong tuba ang pansanaw na sabaw—that provides the microbial culture from zillions of lactic acid bacteria, the unseen agents that whip up fermentation to infuse whiffs of wine in kimchi.
Ano pa ang nawawaglit na sangkap na maibubunyag?
For an honored guest, a Thai host would pound a wee sheet of silver for an entire day… until such silver spreads out much, much thinner than onion skin to wrap slivers of beef with… and the ultra-thin silver wrapping actually melts on the tongue… and in that day-long incessant pounding, the host would wrap his attention in a state of rapture, chanting a Buddhist mantra for hours on end… ah, would the kitchen deity be so pleased with so simple a show of devotion?
Preparation of curry—an amalgam of two to a few dozen spices— is likely to be similar, an offering of orisons to the gods of hearth and home, the mantras to invoke or salute the deity plied out in sullen silence, infused into the rhythm and reason of mortar and pestle that melds, welds curry flavors… a currying for favors from the divine.
Pinansin noon ng faith healer na tumungkab sa takip ng tercero ojo sa aking noo na isa raw sa aking mga kamay ang kawangki ng kamay ni Durga—bathaluman ng pagpuksa at kariktan… sumasalin yata’t nagiging sangkap sa kamay at bisig ang katangian ng bathala’t bathaluman na walang patumanggang inuuntag habang subsob ang kamay sa anumang gawain… sa walang patumangga halos na pagtimba sa poso, doon yata naibunton ang pagbibigkis ng lagalag na diwa sa walang humpay na pagbati sa naturang bathaluman… eh, ba’t parang samputol na punong palasan pa rin ang hugis ng bisig ko, ‘langya…
Halo’t lusong, the old fashioned mortar and pestle, iyon pa rin sa halip na food processor ang nakagawiang gamit sa pagdikdik ng mga sangkap na ilalangkap sa kimchi. The hand could be trapped in an infectious rhythm of pounding sugar and spice and all things nice into a smooth paste. Sige na nga, binabayo rin ang alindog na pinipithaya—pinipitpit habang nakatihaya. Kaya nga parang malaswa ang bugtong na ang sagot ay halo’t lusong: kay inang na yungib na tiwangwang, sinalaksak-hinalukay ng kay tatang…
So there can be an infusion of the divine in such a menial task as pounding. Nalalapatan ng kamay. At natukoy sa pananaliksik ng agham na umaangat ang antas, nag-iibayo ang kaalaman at kakayahan ng tao kapag inilalapat ang kamay sa samut-saring gawain—kaya nga mahigit na 80 kilos at kislot ng kamay ang minsan nating inisa-isang itinala sa isang naunang lumabas na pitak. Ah, nag-iibayo kahit sa pagbayo, may nalilikha sa pag-atikha.
Sandosena yatang ngalan ni Allah ang paulit-ulit na inuusal habang nagdidikdik ng mga sangkap sa kimchi.
A food offering may thus share blessings.
Tuesday, March 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment