HINDI man naungkat ang antas ng suweldo at samut-saring kalagayan sa gawain, igiit na lang natin ang kawikaan na maaaring naging sangkap na ng matinong diskarte sa pamumuhay—a little integrity is better than any career.
Mga kapatid sa kayod ni cabalen Gov. Among Ed Panlilio ng Pampanga ang nangunguna sa mga may mataas na antas ng kasiyahan sa gawain o job satisfaction sa mahigit 27,000 naghahanapbuhay sa U.S. nitong 2006. Halos siyam bawat 10 kabilang sa hanay ng clergy ang nagsabi na nasisiyahan sila sa kanilang trabaho.
Pangalawa sa mga talagang nasisiyahan sa kanilang gawain ang mga bumbero—apat bawat lima ang ganado. At halos apat bawat limang physical therapists ang nagpahayag na ganado rin sila sa daloy ng kanilang gawain.
Ikaapat sa mga talagang nasisiyahan sa kanilang kayod ang mga manunulat—74% ang nagpahayag ng kasiyahan at pagiging kuntento sa kanilang ginagawa. Hindi nga pala lahat ng manunulat ay matatawag na editor at reporter.
Kabilang ang mga editor at reporter—sila ang tinatawag na peryodista-- sa hanay ng mga pulis, detective, registered nurse, at accountant na 50% lang ang nagsasabing nasisiyahan sa kanilang trabaho. Ibig sabihin: bawat 2 sa kanila, isa ang ganado’t kuntento—isa ang hindi.
“Work occupies a large part of each worker’s day, is one’s main source of social standing, helps to define who a person is and affects one’s health both physically and mentally. Because of work’s central role in many people’s lives, satisfaction with one’s job is an important component in overall well-being,” paliwanag ni Tom Smith, direktor sa isinagawang general social survey ng National Opinion Research Center ng University of Chicago.
Panlima sa mga kuntento’t masaya sa gawain ang special education teachers— maaaring mga nagtuturo ng pagluluto, yoga, bonsai, topiary, pottery, handicrafts, painting, martial arts, canine toilet training, Kama Sutra techniques, astrology at samut-saring dagdag na kaalaman na karaniwang panlibangan o pansariling kalinangan ang pakay. Ganado ang pito bawat 10 sa kanila.
Nasa ika-anim ang mga guro—69% o halos pito bawat 10. Ikapito ang education administrators na gaya ng gawain ng katotong Panfilo O. Domingo, ganado ang 68%.
Mahirap maungkat ang mga sanhi kung bakit kuntento’t humahango ng kasiyahan sa kanilang gawain ang mga taong ito. Pero may matingkad na katangian ang mga hanapbuhay na nagbibigay ng kasiyahan, ayon kay Tom Smith: “The most satisfying jobs are mostly professions, especially those involving caring for, teaching and protecting others and creative pursuits.”
Teka, nakakalito ‘to. Iginiit na kasiya-siya ang professions—nangunguna sa mga ganado’t nasisiyahan sa gawain ang mga nasa clergy. Na karaniwang tumatanggap ng sangkatutak na confessions. Say, the most satisfying professions take confessions?
Wala kaming nabungkal na nurses na talagang limpak-limpak ang tinatabo. Pero wala sila sa listahan ng mga kuntento’t nasisiyahan sa kanilang ginagawa—pero nasa healthcare profession ang physical therapists na ikatlo sa mga talagang ganado sa kanilang gawain. Tila musmos sa kanilang pangangalaga ang mga matanda na nabiktima ng brain attack o stroke at mga sakuna—tuturuan muli ng paglalakad, gagabayan sa bawat hakbang, pangungunahan sa calisthenics at mga payak na pagkilos ng mga bahagi ng katawan. Meron bang tinatawag na intrinsic pay o walang katumbas na bayad sa ganoong gawain?
Baka meron naman.
Teka, physical therapists. The rapists? Baka kaya sila ganado’t kuntento.
Isangkalan muli ang naibandilang sanhi: A little integrity is better than any career. Walang isang katagang katumbas ng integrity sa ating wika. I’d hazard that where such gunshot word that codifies an idea is missing in a language, the idea is likely to be missing in the people using such a language. So we’re rather clueless on what integrity is. Or privacy. After all, basic patterns of our mind emerge from the structure of our speech, the workaday language we use.
So let’s hazard a guess to integrate integrity into our way of thinking as Filipinos. Integrity = kabuuan ng pagkatao. Paano ba bumuo ng pagkatao? ‘Tangna hindi ‘yung infantry o pagputok sa matris ng tarugo bata ang nabubuo.
May pamantayang sinusundan sa pagbuo ng pagkatao. How to make whole the Tao in you? Mauungkat na natin si Lao Tse, isa ring Asyano pati na ang kung ilang salinlahi ng tao na sumunod sa mga panuntunan niya. Paano nga mabubuo ang pagkatao? Payak ang tuntunin. Mauungkat sa mga lipunan ng Asia. Code of honor. Do. Tao. Tahaking landas. Na umiiral ang panuntunan para itanghal at ingatan ang dangal.
Do? Say, scandal-hounded farm minister of Japan commits suicide, that’s honest-to-goodness bushido. A P1.2-billion fertilizer scam hounds one Joc-joc Bolante who makes himself scarce, that’s hindot na tarantado.
Sa isang panlipunang kaayusan na nagpapahalaga sa pakikisama’t pakikigaya sa nakararami kaysa pagpapahalaga sa karangalan ng sarili, tiyak na wala ngang katuturan at hindi mauunawa ang kabuluhan ng dangal.
So we’re a career-driven people, we turn our backs on this neck of the backwoods; we’ll find a career everywhere in the world. We equate career with job security and cash rewards, do we not?
And we’re not exactly an integrity-driven people. So let’s not look for integrity in the people who install as our leaders because the masses where we drew them from are similarly lacking in integrity.
Being busy is one of the basic necessities to be content.
But a little integrity is better than any career.
Tuesday, May 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment